Hunyo 12 | Araw ng Kalayaan, Hindi Araw ng Hugot Lines

20170612_104610-03.jpeg

Palayain na natin ang isa’t isa.

Ngayon ang araw na naging malaya ang ating mga puso.

Kung mahal mo, papalayain mo.

Ito ay iilan lamang sa napakaraming mga “Hugot Lines” na laganap tuwing Araw ng Kalayaan sa ating bansa.

Nakakalungkot isipin na ang ating mga kabataan ay mas binibigyang pansin ang pag-post ng mga hugot lines sa social media kesa sa isapuso ang tunay na kahalagahan ng ika-12 araw ng buwan ng Hunyo.

Hindi ko sinasabing masama ang pagpost ng hugot lines sa Facebook o Twitter. Pero sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa, hindi tama na gawin nating biro ang Araw ng Kalayaan. Napakarami sa ating mga pulis at sundalo ang patuloy na nagsasakripisyo upang mapalaya ang ating mga kababayaan sa lugar ng Marawi. Kaninang umaga lamang, ipinakita sa balita na sila ay umiiyak habang iniaangat ang bandila ng bansa sa himig ng “Lupang Hinirang”.

Sa halip na tayo ay magbiro at gawing hugot line ang Araw ng Kalayaan, bakit hindi na lang tayo manalangin na sana ay matapos na ang gulo at muli nang maghari ang kalayaan sa ating bansa? Bakit hindi na lang natin hilingin sa Maykapal na gabayan ang bawat bayani na nagsasakripisyo ng kanilang buhay upang ipagtanggol ang ating bansa?

Sa mga gaya kong kabataan, panahon na para buhayin ang ating naglahong pagmamahal para sa bansa.

Kalayaan at kapayaan para sa Pilipinas!

 

Ako ay Pilipino

Buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas

At sa bansang kanyang sinasagisag,

Na may dangal, katarungan at kalayaan,

Na pinakikilos ng sambayang

Maka-Diyos, Maka-kalikasan, Maka-tao

At Maka-bansa.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s